SOBRA LANGhappy si Kris Aquino sa sitwasyon nga-yon, na habang lumalaki na si
Bimby na nagiging guwapo ay nasa kanya talaga ang atensiyon ng bagets
kaya laging nagmamaktol kapag ang kanyang mommy ay inili-link sa ibang
lalaki. Ayaw ni Bimby talaga na dahil nasa showbiz ang kanyang mommy ay
ang dami-daming pinag-uusapan tungkol sa posibilidad na ang host ng Kris TV ng ABS-CBN ay magkaroon ng bagong karelasyon sa mga panahong ito.
Hindi naman bato ang puso ni Kris para hindi ulit magmahal, dahil ang
dami-dami namang lalaki na nagpaparamdam sa kanya na kung ready na ulit
siyang magmahal ay nariyan lang sila. Pero hindi rin naman mala-king
problema para kay Tetay na ngayon ay umaayaw pa si Bimby na
maki-pagrelasyon siya. Ilang taon lang, maiintindihan na rin ng bagets
na kailangan din naman ng kanyang mommy ng pagmamahal mula sa isang
karelasyon.
No comments:
Post a Comment