NAKAKALOKA NAMAN ! Nagsisimula nang mag-promote ang My Lady Boss
nina Richard Gutierrez at Marian Rivera, sinabayan naman ng malaking
isyu nina Heart Evangelista, pati pa itong gulo nina Kris Aquino at
James Yap.
Ang ganda pa naman ng dating ng trailer ng pelikula nila at unti-unti
nang pinag-uusapan ang magandang chemistry nina Richard at Marian.
Sabi nga ni Richard, parang nakikita raw niya kay Marian ang katauhan
ng nanay niya. Palaban kasi si Marian, at sinasabi niya talaga na
ipinaglalaban niya ang gusto niya, basta wala lang siyang natatapakang
tao.
Sabi pa ni Richard, nakikita niya kay Marian na mabait, maalaga at
marunong makisama. Iyon din daw si Annabelle Rama kaya naging close agad
ito. Bago pa nga raw naging Marimar si Marian ay nakilala na raw ito ni Richard at nagkasama pa sila sa SOP noon.
[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]
No comments:
Post a Comment