Sunday, April 7, 2013
Andi Eigenmann, kinakaya ang mga kabiguan
NASAKTAN MAN si Andi Eigenmann sa magkasunod niyang karanasan ng pakikipagrelasyon kina Albie Casiño at Jake Ejercito, natututo na talaga siyang pahalagahan ang kanyang sarili dahil na rin sa kanyang anak na si Ellie. Sobra niyang minahal si Albie kung papaanong minahal niya rin talaga si Jake. Katatapos lang ni Andi sa panahon ng sobra-sobra niyang pagmamahal bilang kabataan. Pero alam na niya nga-yong magtira ng para sa kanyang sarili.
Nakikita rin kasi ni Andi ang kanyang sarili sa kanyang mommy na si Jaclyn Jose pagdating sa lalim ng pagmamahal sa isang lalaki habang sila ay nakapaloob sa isang relasyon. Ibinibigay talaga nila ang kanilang pagkatao sa lalaking kanilang minamahal. Nakita ni Andi kung gaano kamahal ng kanyang mommy si Mark Gil, at nu’ng magkahiwalay sila ay si Jaclyn ‘yung naiwan na patuloy na nagmamahal at nasasaktan. Pero ang naging pambawi ni Jaclyn para muling makabangon sa buhay ay dahil nariyan nga noon si Andi na lumalaki na.
[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment