MARAMI NANG mga motorista ang nagrereklamo tungkol sa mga high-end sports car na
humaharurot sa kahabaan ng Subic-Clark-Tarlac Expressway (SCTEX).
Marami-rami na rin ang nadisgrasya rito.
Madalang kasi ang mga sasakyan na dumadaan dito bukod pa sa ito ay
isang maluwang at mahabang highway na aabot sa 94 kilometro ang lawak.
Ito ang dahilan kung bakit paboritong dinadala ng mga walang magawang
super mil-yonaryo ang kanilang bagong biling mamahaling exotic sports
car dito para ibreak-in o ibatak ang top speed nito.
Karamihan sa mga sasakyan na madalas naiispatan dito na animo’y
lumilipad sa paghaharurot ay ang mga supercar tulad ng Ferrari,
Lamborghini, Bugatti, Maserati, Porsche at BMW.
Paano nga naman mahahabol ng mga kakarag-karag na mobile car o
motorsiklo ng SCTEX patrol at ng PNP highway patrol ang mga super bilis
na mga sasakyang ito? Wala silang magawa kundi ang kumamot na lamang ng
kanilang ulo at iradyo sa dulo para abangan at tiketan ang mga driver
nito.
Pero bago pa man makarating sa dulo, alam na ng mga speed maniac na
ito na sila ay inaabangan kaya malayo pa lang — bago masalubong ang mga
nag-aabang sa kanila, binabagalan nila ang kanilang takbo.
At paano nga naman titiketan ng highway patrol ang mga driver nito kung sila ay mga pulitiko o matataas na opisyal sa gobyerno?
[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]
No comments:
Post a Comment