Wednesday, April 3, 2013

Coleen Garcia at Gab Valenciano, nauwi rin sa hiwalayan ang relasyon!


SA PAG-ALIS ng bansa ni Gab Valenciano noong nakaraang March 25 para tapusin ang 2 taon na music course niya sa Orlando,Florida, tuluyan na ring natuldukan ang relasyon nila ng ex-girlfriend na si Coleen Garcia. Sa interview namin kay Coleen para sa Cinema News, kinumpirma niya sa amin na mag-iisang buwan bago pa man umalis ng bansa si Gab ay nagkakalabuan na silang dalawa.
Ang pressure ng pag-alis ni Gab ang rason na nu’ng una ay nasa state of denial pa silang dalawa, pero habang nalalapit ang pag-alis nito ay nakikita nila ang reyalidad na mahihiwalay sila sa loob nang matagal na panahon at dito ay maraming puwedeng mangyari sa kanilang mga career at sa mga bagong tao na maaaring makatagpo nila.
Sa nakaraang interview namin kay Gab, kung saan maayos pa ang relasyon nila noon ni Coleen ay nabanggit nito na susunod sa kanya si Coleen at mag-aaral doon.

[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]

No comments:

Post a Comment