Monday, April 8, 2013

Daniel Padilla: Walang intrigang tutumba sa akin!


KAILAN LANG , nag-press launch ang Amigo Segurado Spaghetti and Macaroni featuring teen heartthrob Daniel Padilla and Richard Yap as their new endorsers. Excited na ibinalita ng young actor ang nalalapit niyang birthday concert on April 30 sa Araneta.
“Ang dami pang gagawin, ikukondisyon ko pa ang sarili ko sa concert. Nag-usap na kami ni Mr. M (Johnny Manahan) so, alam na niya ang gagawin sa concert. Nag-meeting na kami kung ano ‘yung kaila-ngang gawin. Ang ganda ng usapan namin, alam ni Mr. M kung ano ‘yung trip kong gawin kaya mahal na mahal ko ‘yung tao. Mas nai-excite ako, alam naman ninyo kapag hindi ko gustong gawin medyo nagiging mahinhin ako. Pero ngayong alam ni Mr. M lahat, kaya ganadung-ganado ako. Siyempre, kailangang handa pa rin tayo kung ano ang mangyayari after the concert. ‘Yung birthday ko, siguro sa May na ‘yung celebration.”
Para maging kumpleto ang kaligayahan ni Daniel sa kanyang birthday (April 26), wish nitong bumili ng bahay (somewhere in Quezon City) para sa kanyang pamilya.

[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]

No comments:

Post a Comment