Tuesday, April 9, 2013

Heart Evangelista at Chiz Escudero, binalak nang magpakasal?!


NAKU! TOTOONG balak na rin nina Sen. Chiz Escudero  at Heart Evangelista na magpakasal?
Kuwento nga ni Ricky Lo, kinausap daw ni Sen. Chiz si Pastor Apollo Quiboloy kung puwede silang ikasal ni Heart nu’ng nakaraang Sabado. Pero hindi naman pala puwede dahil hindi pa nga annulled ang church wedding nila ng unang asawa niyang si Cristine Flores.
Dagdag pang kuwentong nakarating, hindi pa raw okay si Heart sa mga magulang niya at hindi pa sila nagkikita.
Pero malungkot daw ang aktres at umiiyak pa rin daw ito lagi, dahil nami-miss na nito ang Daddy niya.
‘Yun daw ang inaalala niya, ang kanyang ama na may sakit. Kaya sana nga maging okay na sila, pati ang Mommy niya.
Feeling ko, ang Mommy nito ang hindi niya talaga kasundo, kaya nga sinabi rin naman ni Mrs. Ongpauco na sana raw para na lang sa Daddy niya, hindi na niya ito ginawa.

[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]

No comments:

Post a Comment