Thursday, April 4, 2013

John Lloyd Cruz, lalong iniaangat ng pagiging simple


SOBRANG INIAA-NGAT ng kanyang kasimplehan bilang tao at artista si John Lloyd Cruz, kaya naman nagpapatuloy ang magandang kapalaran niya sa showbiz. Pinatunayan iyon ng pagpatok sa takilya ng pelikulang It Takes A Man And A Woman ng Star Cinema kasama si Sarah Geronimo na patuloy pa rin ngayong pinipilahan sa mga sinehan. Si Lloydie kasi ‘yung tipo ng artista na hindi nagpupuwesto ng kanyang sarili para tawaging Hari ng Kapamilya Network o Pantasya ng Bayan.
Nu’ng mawindang ang career ni Piolo Pascual pagkatapos na mabuwag ang loveteam nila ni Judy Ann Santos, sinasabing laos na raw ang Papa ng Bayan. Lalo na nu’ng ma-ging kontrobersiyal ang paghihiwalay nila ni KC Concepcion. Hindi na raw siya ang Hari ng Kapamilya. Hindi binabanggit kung si John Lloyd ang puwedeng sumunod kay Piolo. Kamukat-mukat mo ay si Coco Martin na laging patok sa mga teleserye ang sinasabing bagong ‘hari’ raw ng Kapamilya Network.

[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]

No comments:

Post a Comment