MAY NAMUMUONG sigalot nga-yon sa pagitan ng dalawang
grupo sa loob ng Bureau of Plant Industry (BPI) na maaaring humantong
sa isang malaking iskandalo kung hindi maaagapan.
Ayon sa isang mapagkakatiwalaang source, ang dalawang halos hindi na
mapipigilang mag-uumpugang-bato ay ang grupo ni BPI Director Clarito M.
Barron sa isang panig at ang kanyang chief of Quarantine Service na si
Luben Q. Marasigan sa kabilang banda naman.
At ang sentro umano ng kanilang pinag-aawayan ay ang karapatan at
kapangyarihan sa pag-isyu ng mga extended import permit. Ang grupo ni
Barron ay kaanib ni LEAH CRUZ, presidente ng Vegetable Importers,
Exporters and Vendors Association (VIEVA), samantalang kaanib naman ng
tropa ni Marasigan ang mga independent vegetable importer.
Nagsimula ang lahat nang may natanggap na liham ang Bureau of Customs
noong January 1, 2012 mula umano kay Barron. Sa nasabing liham,
pinapayagan ni Barron si Marasigan na pumirma ng ilang mga extended
import permit para sa bawang hanggang April 30, 2013.
[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]
No comments:
Post a Comment