Tuesday, May 21, 2013
Angel Locsin at Angelica Panganiban, ‘di pa tapos ang away?!
MALALIM BA ang hidwaan nina Angelica Panganiban at Angel Locsin? Kasi sa nakaraang Guillermo Mendoza Memorial Awards o Box Office King and Queen Awards ay parang hindi daw nagpansinan ang dalawa na parehong tumanggap ng Best Actress Awards para sa One More Try.
Napabalita kasi noon na habang ginagawa nila ang naturang pelikula ay humantong diumano sa pisikalan ang isa nilang eksena na hindi naman required sa scene na ‘yun.
Sabi ni Angel, “Actually ngayon lang ulit kami nakapagkita pero medyo sensitive kasi ‘yung sitwasyon ngayon para sa kanya, so ayoko munang makadagdag pa sa pinagdadaanan niya ngayon, basta masaya lang ako para sa kanya.”
Samantala si Angelica naman ay nagbigay ng pahayag tungkol sa diumano’y may bagong nililigawan ang boyfriend na si John Lloyd Cruz. Sabi niya, “Parang hindi naman ‘ata maganda yun na may nililigawan siya tapos kami pa. Hindi naman proper ‘yun. Hindi rin dapat tinatanong, kasi hindi naman tamang gawin ‘yun ng isang normal na tao kung nasa tamang pag-iisip siya.”
[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment