Friday, May 24, 2013

Blacklisted sa Saudi, Pinayagang Makabiyahe

Dear Atty.  Acosta,
NAG-APPLY AKO ng trabaho sa isang agency para sa Saudi Arabia. Bago po nila tanggapin ang aking aplikasyon ay binanggit ko na sa kanila na nagkaroon ako ng problema sa Saudi Arabia kaugnay ng dati kong pinagtrabahuang kumpanya. Ang sabi nila ay hindi raw iyon magi-ging sagabal sa aking pagnanais na makabalik doon dahil maayos naman akong nakauwi ng Pilipinas. Subalit, pagkarating ko sa paliparan ng Saudi Arabia ay hinarang ako sa Immigration sapagkat ako raw ay kabilang sa mga blacklisted na tao. Pag-uwi ko ng Pilipinas ay agad akong nakipag-ugnayan sa aking agency at ipinaliwa-nag ko ang nangyari. Hiningi nila sa akin ang aking pasaporte upang makansela raw nila ang aking visa. Ngunit matapos kong ibigay ito ay ayaw na nilang ibalik ang aking pasaporte. Tinatakot nila ako na kailangan ko raw bayaran ang halagang katumbas ng isang buwan kong sahod base sa aming kontrata bilang kabayaran sa mga nagastos nila. Maaari po ba nila itong gawin? Sana ay mapaliwanagan ninyo ako.

No comments:

Post a Comment