ISANG EUROPEAN heavy equipment manufacturer na
nakabase rito sa Pilipinas ang nasasangkot ngayon sa talamak na
smuggling ng kanilang mga bulldozer, excavator, grader, wheel loader
atbp., ayon sa isang mapagkakatiwalaang source sa Department of Finance.
Ang mga nasabing heavy equipment na kanilang mini-misdeclare ay
pumapasok ng bansa sa pamamagitan ng Subic Freeport at Manila
International Container Port.
Para makasiguro na makalulusot ang kanilang mga kargamento, tatlong
sikat na beteranong broker – a.k.a. smuggler – ang ginagamit ng nasabing
European heavy equipment manufacturer para makisalamuha at
makipag-aregluhan sa mga taga-Bureau of Customs.
Ang dalawa sa mga broker na ito ay nabibilang sa topnotch players
ngayon sa mga pier ng BoC sa Maynila – sina Tan at Santos. Samantalang
ang isa naman ay dating bigtime player sa Subic na sinusubukang muling
makabangon.
Pagkatapos mailabas sa customs ang kanilang mga kargamento,
ipinalilitaw ng nabanggit na European heavy equipment manufacturer – sa
pamamagitan ng mga pinekeng resibo, na locally-purchased ang kanilang
mga ibinebentang produkto.
[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]
No comments:
Post a Comment