Sunday, May 26, 2013

Judy Ann Santos, ‘di makikipagkumpetensiya sa mga nagre-reyna-reynahan sa TV


MARUNONG MAKUNTENTO sa buhay si Judy Ann Santos, at marunong din siyang magtiis sa mga panahong kung ano lang ang mayroon siya, at pinagsisipagan na lang niya iyon para makuha. Marunong siyang magpasensiya sa buhay, dahil bata pa siya nang magkahiwalaya ang kanyang mommy’t daddy, kaya alam na niyang makipaglaro sa takbo ng buhay, maging sa mahabang itinakbo ng kanyang showbiz career na pinanghahawakan pa rin niya hanggang ngayon.
Hindi nagpapakaperpektong tao si Judy Ann, pero ang itinuturing niyang pambalanse sa kanyang buhay at career ay ang kanyang pamilya. Lalong umaliwalas ang mundo ni Juday nang dumating sa lovelife niya si Ryan Agoncillo at magkaroon sila ng mga anak. Nagdagdag ng lakas sa kanyang pagkatao ang mga natututunan niya kay Ryan, dahil matalinong tao ang kanyang husband. Na kung ano ang mga hindi pa niya alam dati, naituturo iyon sa kanya ng guwapong TV host.
Sa takbo ng career, wala na siyang dapat pang patunayan. Narating na niya ang lugar niya sa showbiz, na gustong marating ng ibang artista. Tinatawag na namang reyna ng teleserye si Juday, dahil ipapalabas na ang “Huwag Ka Lang Mawawala” sa ABS-CBN.

[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]

No comments:

Post a Comment