BONGGA NGAYON ang mga artista dahil abala sila sa mga pangangampanya sa mga huling araw nito bago mag-eleksyon.
Ang isa sa abala ay si Dingdong Dantes dahil suportado nito ang ilang
kandidato ng Team Pinoy lalo na si Bam Aquino at Jun Magsaysay.
Kuwento ng mga staff namin sa Startalk, halos magkasabay raw ngayon
na nag-iikot sa iba’t ibang bahagi ng bansa sina Dingdong at Kris
Aquino.
Todo ang suporta ni Kris sa mga kandidato ng Kuya Noy niya. Napag-uusapan na tuloy na balak na rin nitong pasukin ang pulitika.
Nakausap nga ito ng Startalk, sinabi niyang pinag-iisipan
daw niyang mag-OJT sa Iloilo at Davao dahil ito raw ang mga lalawigan na
sobrang na-impress siya sa malaking pagbabago.
Kaya marami pa raw siyang dapat malaman at mapag-aralan. Kaya may
balak talaga. Hindi lang ‘yan mababang posisyon o sa local government
kundi national ‘yan.
[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]
No comments:
Post a Comment