Dear Atty. Acosta,
KASAL PO ako ng 10 years pero 4 years
lang po kaming nagsama ng a-king asawa. Sa loob ng 4 na taong iyon ay
hindi pa kami palaging magkasama dahil siya ay isang seaman at laging
nasa labas ng bansa. Naghiwalay po kami dahil sa simpleng away lamang at
dala na rin ng pakikisawsaw ng ibang tao. Umalis po ako ng bansa noon
upang makalimot sa masakit na mga ibinibintang sa akin ng aking asawa.
Pagbalik ko rito sa Pilipinas ay nais ko sanang makipag-balikan sa kanya
ngunit ayaw na po niya.
Ito po ang aking mga katanungan, may karapatan po ba akong
maghabol sa asawa ko kahit wala ka-ming anak? Gusto ko po kasing
maghabol sa kanya bilang isang asawa dahil hindi naman annulled ang
aming kasal. P’wede ko po bang kasuhan ang mga taong sumulat sa aking
asawa ng mga paninira laban sa akin? Ano po ba ang dapat kong ikaso?
Tama po ba ‘yung ginawa niya na putulin ang allotment niya sa akin kasi
raw baka gamitin ko lang sa mga kamag-anak ko? Isa pa po, may
pinapirmahan sa akin ang aking asawa na nagsasaad na wala na raw akong
karapatan sa anumang nabili niyang ari-arian, may bisa po ba iyon? After
7 years po ba ng aming hiwalayan ay p’wede na po bang mag-asawa ang isa
sa amin kahit hindi po annulled ang kasal namin?
Anonymous
[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]
No comments:
Post a Comment