Sunday, May 26, 2013

Mga Tapat na Pilipino!

MGA IPHONE, Apple iPad, HP laptop, Samsung Galaxy Note at wallet na may lamang P5,200 cash ang ilan lamang sa mga isinoli ng mga taxi driver kamakailan sa Wanted Sa Radyo upang maibalik sa mga may-ari nito.
Simula ng inilunsad ng Wanted Sa Radyo noong September 19, 2012 ang Gawad Katapatan Award – parangal na ibinibigay sa mga tapat na mamamayan – umaabot na sa 87 na mga taxi driver, UV Express driver at iba pang mga kababayan natin ang naging awardee nito.
At simula noon, ang Wanted Sa Radyo ay binabansagan na rin ngayon ng “Saulian ng Bayan” bukod pa sa pagiging Sumbungan ng Bayan.
Noong Biyernes, May 24, 2013, sampung tapat na mga tsuper ang muling nagawaran ng nasabing parangal sa studio ng Radyo5 ng TV5 sa 762 Quirino Highway, San Bartolome, Novaliches, Quezon City. Sila ay nabibilang sa 8th batch na mga tumanggap ng Gawad Katapatan Award.
Ang sampung mga tapat nating kababayan ay ang mga sumusunod:  (1.) Emmanuel B. Plaza ng Vavaitha Trans, nagsoli ng iPhone5; (2.) Ermer S. Gonzales ng K&Q JAFFMHOY Taxi, nagsoli ng Apple iPad; (3.) Romeo O. Sumayang ng Norlies Angel Taxi, nagsoli ng Apple iPad; (4.) Gerry E. Gozon ng Joswelle Taxi, nagsoli ng iPhone 4S; (5.) Rommel M. Arboleda ng Balat&Fe Taxi, nagsoli ng HP laptop; (6.) Gavino B. Bacsa ng Micahqueen Transport, nagsoli ng Asus laptop; (7.) Perry P. Escamillas ng UV Express, nagsoli ng Samsung Galaxy Note; (8.) Julio L. Cabael, Jr. ng Basic Taxi, nagsoli ng Nokia C3 at Nokia E71; (9.) Bernard M. Bartolata ng Jesmie Taxi, nagsoli ng wallet na may lamang P5,200 cash; (10.) Walter M. Ramos ng Polanne Trans Inc., nagsoli ng Samsung Galaxy Y. 

[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]

No comments:

Post a Comment