Thursday, May 9, 2013

Nadala sa iskandalo sa dating boyfriend Vice Ganda, ayaw nang i-reveal ang identity ng dyowa


AYAW NANG i-reveal ni Vice Ganda ang identity ng boyfriend niya.
Nadala at natuto na kasi siya nang minsang inilabas ng show ni Ted Failon ang picture ng BF niya nang mag-guest siya, nagulo ang buhay ng lalaki na nauwi sa hiwalayan nilang dalawa.
Pista sa Tondo. Nag-iinuman. Nagkakasayahan, ‘yun pala naka-monitor ang buong pamilya at kapit-bahay ng lalaki. Minalas. Napanood ng anak ng BF ni Vice ang nasabing litrato sa show ni Ted na ang ending, tinanong ng bagets sa ama: “Ano n’yo si Tita Vice?” na naging dahilan na naglaho ang lalaki sa buhay ng komedyante.
Sa Biyernes (May 17) sa concert niya na “I-Vice Ganda Mo Ako sa Araneta”, kinumpirma niya na manonood sa concert ang boyfriend niya. “Pero hindi ko sasabihin kung saan siya uupo o kung anong damit ang suot  niya para wala nang iskandalo. I’ve learned my lesson,” panigurado niya.

[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]

No comments:

Post a Comment