ISANG MAPAGKAKATIWALAANG source ang nagsabi sa
inyong lingkod na ang Volvo Phippines at Hyundai Philippines ay
kasalukuyang inimbestigahan ng dalawang ahensya ng ating pamahalaan.
Ang dalawa ay iniimbestigahan hindi dahil sa depektibo ang mga makina
ng mga sasakyan nila na maaaring magsanhi ng aksidente sa kalye, kundi
dahil sa umano’y depektibo ang binabayarang buwis para sa importation ng
mga car and heavy equipment nito na maaaring magdulot ng pagkasugat sa
kaban ng bayan.
Ang mga ahensya ng pamahalaan na nag-iimbestiga umano sa mga
importation ng nasabing foreign car and heavy equipment manufacturer ay
ang Bureau of Customs (BoC) at Bureau of Internal Revenue (BIR).
At ito ay kinumpirma ng mismong director ng Customs Intelligence and Investigations Service ng BoC na si Dino Tuazon.
Ayon kay Tuazon, patuloy na nagsasagawa ang BoC ngayon ng post audit
sa lahat ng car at heavy equipment importation ng Volvo Philippines at
Hyundai Philippines. Nakasentro raw ang kanilang imbestigasyon sa Civic
Merchandising at Good Morning International.
Ang Civic Merchandising ang tumatayong customs broker ng Volvo
Philippines samantalang ang Good Morning International ay para sa
Hyundai Philippines naman, ayon pa rin kay Tuazon.
[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]
No comments:
Post a Comment