Pinoy Parazzi Showbiz News
Friday, June 21, 2013
Masarap insultuhin at laitin!
NOONG NAKARAANG
Martes ng gabi, pinanood ko ang Reporter’s Notebook sa GMA-7. Matapos kong mapanood ang nasabing show, halos atakihin ako ng high blood at madaling-araw na akong nakatulog sa pagmamaktol sa galit dahil hindi ko sukat akalain na kaya pala maraming mga pasahero ang namamatay sa tuwing may lumulubog na barko dahil saksakan ng pagkaistupido at inutil ng ating mga kinauukulan partikular na ang Maritime Industry Authority (MARINA).
Ang segment ni Maki Pulido sa nasabing documentary show na tungkol sa Roll-On/Roll-Off (RORO) ang labis na nakakuha ng aking atensyon. Sumampa si Maki sa isa sa mga RORO na bumibiyahe patungong Mindoro kasama ang kanyang crew para idokumento ang estado ng ating mga RORO at ang kalagayan ng mga pasahero na sumasakay rito.
Ang unang kapansin-pansin na kapalpakan ng nasabing RORO ay ang pagkakapuwesto ng mga life vest na itinambak sa makitid na aparador sa isang sulok. Kapag malulunod ang barkong ito, hindi pa man ito lumubog, may mga mamamatay ng pasahero dahil sa stampede. Ang lahat ay mag-uunahan patungo ng nasabing aparador para makipag-agawan sa life vest.
[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]
No comments:
Post a Comment
Newer Post
Older Post
Home
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment