Dear Atty. Acosta,
GUSTO KO pong isangguni sa inyo ang
aking problema. Nakipagkasundo po sa akin ang isang lalaki na itago na
lamang natin sa pangalang “Boy” na ipapasok niya raw ako sa trabaho sa
Taiwan. Binayaran ko siya ng halagang walumpung libong piso bilang
kabayaran sa pag-aasikaso ng aking mga papeles kasama na rin ang aking
ticket at visa. Ang sabi niya ay makakaalis na ako noong Hulyo 16, 2010.
Subalit pagdating ko po sa airport ay wala po ang pangalan ko at ng
lima pang kasamahan ko sa tala ng mga pasahero. Niloko po niya kami,
pati po ang aming visa ay napag-a-
laman naming hindi balido. Ngayon ay hindi namin alam kung paano
namin mababawi sa kanya ang pera na inutang lamang ng aming mga pamilya.
Ano po ba ang magagawa namin? Hirap na hirap na po kami at wala na
kaming ibang matatakbuhan. Sana po ay mabigyan ninyo ng pansin ang aking
sulat.
Umaasa,
No comments:
Post a Comment