Monday, July 15, 2013

Carla Abellana, pang-best actress ang acting sa serye!


BUKANG-BIBIG NGAYON sa madlang pipol ang drama series na My Husband’s Lover nina Dennis Trillo, Tom Rodriguez at Carla ABellana ng GMA-7. Kahit saang umpukan, inuman at tsikahan, maiinit na pinag-uusapan ang love triangle nina Eric, Vincent at Lally. Maging sa Facebook at Twitter, nagiging center of attraction ang MHL with matching photos nina Dennis, Tom at Carla. Pati nga sa mga Internet shop, pinapanood sa YouTube ang nasabing drama series. Bawa’t episode nga kasi ay kapana-panabik, lalong umiinit ang bawat eksena. Maganda ang feedback, to the highest level ang rating nito. Ayon sa survey, ang MHL na ngayon ang number one soap sa bansa dahil sa kakaibang istorya nito, very intriguing.
Lalong nakae-excite panoorin ngayon, nabuking na ni Lally ang asawang si Vincent na lover pala nito si Eric nang personal niyang pinuntahan ang condo unit hawak ang susi nito. Hindi siya makapaniwala sa kanyang nasaksihan, shocking galore, at agad isinugod sa hospital ni Vincent ang asawa kasama si Eric.

[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]

No comments:

Post a Comment