WALA NAMANG kumukuwestiyon dati sa kabaitan ni Kim Chiu bilang anak sa kanyang mga
magulang at mga kapatid, dahil marami naman ang nagpapatotoo tungkol
doon. Bilang isang artista rin naman, kung hindi titingnan ang
pagkakaroon niya ng hidwaan kina Maja Salvador at Gerald Anderson,
masasabing isa sa pinakamabait na artista ang ka-loveteam ngayon ni Xian
Lim, dahil nanatili siyang simple noon hanggang ngayon, kahit talagang
sumikat na siya.
Pero kung nasaktan man si Kim, ganu’n din ang kanyang mga kapamilya
na nagmamahal sa kanya dahil sa mga tira at pagpuna sa pagiging abala ng
Tsinitang aktres sa panahon na nakaburol pa ang kanyang ina, hindi nila
mahaharangan ng pagkontra na hindi pansinin ang young actress sa
panahong mayroon silang miyembro ng pamilya na pinaglalamayan. Ang mga
Pinoy kasi ay may isang malalim na paniniwala, na kapag malapit na
kapamilya mo ang pumanaw, dapat mag-ukol ka ng respeto at kung puwede
nga ay ipagpaliban mo muna ang iyong mga trabaho. Sobra na ‘yung kung
hindi ka pa makakadalo sa libing ng yumao.
[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]
No comments:
Post a Comment