MULA 2011, 2012 at hanggang ngayon ay sunud-sunod
ang pagkuha ng Pilipinas ng mataas na investment grade at credit rating
mula sa malalaking kompanyang namumuhunan sa mga pandaigdigang
kalakalan. Kaya naman hindi nakapagtataka na sa unang apat na buwan ng
2013 ay nanguna ang Pilipinas at naungusan ang mga bansang China at
India dito sa Asia ng 7.8 % pagdating sa investment rate.
Ayon sa mga eksperto, ang investment grade ay mahalaga sa ekonomiya
lalo na sa pandaigdigang pagbili at pagtinda ng kalakal. Mas mababa ang
mga interes na ipinapataw sa mga bansang may matataas na credit rating.
Mas mataas naman ang interes sa may mababang credit rating dahil
binabawi ng mga nagpapautang ang sa tingin nilang matagal na balik ng
perang pinautang sa mga bansang hirap magbayad.
Lumalabas na tiwala at kumpiyansa ng mga namumuhunan lamang ang labanan dito.
[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]
No comments:
Post a Comment