SA PROPOSED National Budget ng Palasyo na P2.268
trillion ay walang nakalaang pondo para itaas ang suweldo ng mga
manggagawa sa gobyerno. Ito ang pahayag ni Budget Secretary Florencio
Abad. Ipinaliwanag ni Abad na katatapos lamang ng apat na taong proseso
ng pagtataas ng suweldo ng mga taga-gobyerno base sa “Salary
Standardization Law” (SSL) III.
Dagdag pa ni Abad, sa kasalukuyang budget ay malaking bahagi na nito
ang kinain ng pasuweldo sa mga manggagawa ng gobyerno kaya hindi na
kakayanin kung magtataas pa muli dahil malaking halaga ang kakailanganin
dito.
Ang SSL III ay ang ikatlong bahagi ng “multi-year salary adjustment
program”, kung saan ang suweldo ay halos nadoble na. Ang suweldo ni
PNoy, halimbawa, na dating P60,000.00 kada buwan ay P120,000.00 na
ngayon. Ang sa mga kongresista naman na dating P35,000.00 – P40,000.00
ay aabot na ngayon sa P90,000.00 kung saan labas pa rito ang mga
allowance nila. P130,000.00 naman ang take-home pay ng Supreme Court
Justices.
[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]
No comments:
Post a Comment