Dear Atty. Acosta,
MAYROON LANG sana akong hihingiin na
advice tungkol sa problema ko. Nagkahiwalay kami ng aking asawa sa aking
pagdududa na ako ay niloloko niya. Ibig sabihin, merong third party.
Nakasal kami sa legal at sa simbahan. After more than a year,
nagkahiwalay kami. Since nagkahiwalay kami until now wala na kaming
communication sa bawat isa. Pero ang balita ko ay mayroon na siyang anak
sa kanyang kinakasamang lalaki. Ang sabi ng mga nakakaalam, ang
dinadalang apelyido ng bata ay ang aking apelyido. Alam ko na ang batang
ito ay hindi ko anak. Ang kasal namin until now ay hindi pa naa-annul.
Ang tanong ko po ay mayroon bang karapatang gamitin ng bata ang aking
apelyido at mayroon ba silang karapatang maghabol sa aking mga
ari-ariang naipundar noong ako ay binata pa. Papaano ko ba
mapapawalang-bisa ang
aming kasal at magkano ang magagastos kung sakaling mag-file ako ng annulment?
No comments:
Post a Comment