SA DAMI ng taong dumagsa sa Luneta, hindi mo na
iisipin kung may isang milyon nga ang nagpunta sa protesta kahapon. Nasa
400,000 na tao ang tinatayang nag-martsa sa makasaysayang Luneta Park
upang makilahok sa tinaguriang “Million People March”.
Iba’t ibang tao ang nagpahayag ng kanilang pagkadismaya sa
maanomalyang pork barrel. Ipinapakita nila ang kanilang hindi na matiis
na galit at labis na pagkapikon sa mga magnanakaw na nanunungkulang
opisyal sa gobyerno.
Ang tanong ngayon ay paano kung ang isang inakusahan at napatunayang
nagnakaw sa gobyerno ay na-kilahok sa protesta laban sa korapsyon?
Ang sagot sa tanong na ito ay ang dinanas ng da-ting mahistrado ng
Korte Suprema na si Renato Corona, nang magpakita ito sa Luneta
Grandstand. Umalingawngaw ang pag-“boo” ng mga tao nang malaman nilang
nandoon din si Corona sa lugar at katakot-takot na panlilibak ang
natikman ng napatalsik sa puwestong dating Chief Justice.
[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]
No comments:
Post a Comment