HINDI LANG malaking isda kundi ay mala-balyena pa
nga ang pinag-aagawang Bonifacio Global City (BGC) ng lungsod ng Makati
at Taguig. Humigit-kumulang na P6 billion ang kinikita ng Taguig mula sa
buwis na nakokolekta sa BGC taun-taon. May bonus pa ang Makati kung
magkataon dahil babawiin pa nila ang kabuuang kita ng Taguig ng 20 taon
galing sa buwis.
Naghahanda ang Makati para sa pag-“takeover” nito sa BGC matapos
magdesisyon ang Court of Appeals (CA) na ibasura ang inilabas na
injunction ng Pasig court noong 1994 na pumabor sa Taguig. Binaligtad
din ng CA ang desisyon ng Regional Trial Court ng Pasig nitong 2008
lamang na nagsasabing sakop ng Taguig ang pitong military barangay, ang
inner Fort barangays at ang high-end na Bonifacio Global City.
[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]
No comments:
Post a Comment