TAYONG MGA Pinoy, kapag ang pinag-uusapan ay
sasakyan at mga murang piyesa sa sirang jeep o kotse, tiyak lahat ay sa
Banawe, Quezon City ang laging takbo. Marami kasing surplus na parte ng
sasakyan doon. Kaysa linisin o kumpunihin pa ang sirang piyesa ng
sasakyan, mas maiging palitan na lang ng surplus ang original part na
sira.
Alam n’yo bang ganito rin halos ang usapan sa bagong teknolohiya sa
panggagamot? Sa teknolohiyang ito ay parang pagbili lang ng surplus na
“human organ” at “cell” sa Banawe, upang mapalitan ang depektibong parte
ng katawan ng tao gaya ng liver at kidney.
Si Senador Enrile sa edad na 89 ay nagpapakita pa rin ng pagiging
matinik sa debate at katalinuhan. Inamin ng Senador sa isang panayam na
siya ay gumagamit ng tinatawag na “stem cell therapy”.
Ang “stem cell research” ay mahigit 10 taon nang pinag-aaralan sa
ibang bansa. Ito ay isang makabagong paran ng panggagamot gamit ang
“cell”, isang esensyal na bahagi ng dugo. Dahil ang “cell” ay tinatawag
na “basic unit of life”, ang teknolohiya ngayon sa medisina ay may
kakayahan nang makumpuni ang sira o depektibong bahagi ng katawan gamit
ang artipisyal na paraan. Ang tawag dito ay “stem cell therapy” at “stem
cell medicine”.
[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]
No comments:
Post a Comment