Dear Atty. Acosta,
MA’AM ACOSTA, da-ti po akong may
ka-live-in. Nagsama po kami ng mahigit na 10 taon. May anak kaming apat.
Lahat pong iyon ay pirmado niya at naka-apelyido sa kanya ang birth
certificate. Wala po siyang binibigay na sustento kahit singko mula’t
sapul dahil pareho ka-ming may trabaho at dahil may pamilya siyang iba.
Sa ngayon po ay kolehiyo na ang mga anak namin at hirap na po ako sa
gastusin. Nandito ako sa abroad pero maliit lang ang sahod ko. P’wede ba
akong humingi ng sustento kahit 18 taong gulang na po ang edad ng mga
bata? Ano po ang una kong gagawin at saan? Kailangan po ba ng abogado
kung sakali? Maganda na po ang trabaho ng ama ng mga bata. Sa katunayan
nga po ay nagpapatubuan pa siya.
Umaasa po akong masagot po ninyo ang tanong ko. Ngayon pa lang ay nagpapasalamat na po ako sa inyo.
Lubos na gumagalang,
No comments:
Post a Comment