ANG DEPARTMENT of Education ay magpapalabas ng
bagong programa upang matulungan ang mga public school na mabawasan ang
populasyon ngayong malapit nang ipatupad ang K-12 system. Ang
Educational Voucher System (EVS) ay magbibigay ng pagkakataon sa mga
mag-aaral ng public schools na makapag-aral sa mga private school. Sa
taong 2015 ay mag-uumpisa na ang pagkakaroon ng senior high school sa
lahat ng mga paaralan sa bansa, subalit hindi pa lahat ng mga
pampublikong paaralan ay handa nang tanggapin ang mga papasok sa Grade
11 at 12. Ito ay dahil sa mga kakulangan ng pasilidad gaya ng mga
silid-aralan, mga guro, aklat, atbp.
Ang EVS ay magandang paraan upang mabawasan ang mga papasok sa public
high schools sa pamamagitan ng pagbibigay ng cash equivalent voucher
subsidy sa mga kayang mag-aral sa mga private school. Mayroon kasing
labis na mga pasilidad sa mga pribadong paaralan kung kaya’t sa halip na
magpatayo ng mga bagong imprastraktura sa public schools ay
pansamantala munang ilalagak ang mga mag-aaral na ito sa private
schools.
[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]
No comments:
Post a Comment