Friday, September 6, 2013

Direk Wenn Deramas, pinatawad na raw si DJ Durano


PAGKATAPOS NG presscon ng Momzillas na ipalalabas sa September 18, nakausap namin ang Box-Office Director na si Wenn Deramas at dito ay inamin nito na nagkausap na pala sila ni DJ Durano nang dumalaw ito sa kanya isang araw kung saan personal itong humingi ng tawad sa kanya.
Ayon kay Direk Wenn, naging maayos ang pag-uusap nila ng aktor, napatawad niya ito at ‘di rin itinago ng director na humingi din ng tulong sa kanya si DJ kung puwede siyang tulungan nito na mabigyan ng mga proyekto, kung saan agad namang tumawag at nag-text ang direktor sa mga kaibigan at kakilala sa produksyon na baka matulungan ang aktor.
Ipinaliwanag ni Direk Wenn na hindi niya sinabihan ang mga kaibigan at kakilala na huwag nang bigyan ng proyekto si DJ, pero ang mga ito mismo ang nag-akala na dahil naghiwalay nga ang landas nila ay ay ‘di na rin nila bibigyan ng project ang aktor.

[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]

No comments:

Post a Comment