ANG MATAGAL nang nakabinbin na Freedom of
Information (FOI) Bill ay lumusot na rin sa lebel ng Senado. Ngayon ay
handang-handa na si Senator Grace Poe, chair ng Senate Committee on
Public Information and Mass Media, para sa debate sa usaping ito sa
plenaryo.
Determinado umano si Poe para isumite ang panukalang FOI measure at
inaasahan niyang maaaprubahan ito sa ikatlong pagbasa bago matapos ang
taon.
Binigyang-diin ni Poe ang kahalagahan ng FOI law sa labang kontra
katiwalian sa gobyerno. Sa pamamagitan ng batas na ito, ayon sa
Senadora, ay mabibigyan ang bawat Pilipino ng pagkakataon at
kapangyarihang aktibong makisangkot at makialam sa pagbabantay sa
salaping bayan sa ating pamahalaan.
Dagdag pa ni Poe, ginagarantiyahan ng batas na ito ang pagkakaroon ng
public access sa mga impormasyong magsusulong ng transparency at
accountability sa pamahalaan.
[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]
No comments:
Post a Comment