AYON SA isang broadsheet kahapon, planong
ipa-lifestyle check daw ng Department of Finance (DoF) – sa pamamagitan
ng anti-corruption arm nito na Revenue Integrity Protection Service
(RIPS), ang mga miyembro ng tinaguriang “Millionaire’s Club” ng Bureau
of Customs (BoC).
Kasama raw sa mga planong ila-lifestyle check ay ang grupo ng 27
district collectors na inililipat kamakailan sa Customs Policy Research
Office na mariing pinapalagan naman ng grupo dahilan para sila ay
maghain ng Temporary Restraining Order (TRO) sa korte para
pansamantalang mapahinto ang pagpapalagay sa kanila rito.
Ang pagtutol ng 27 district collectors at paghain nila ng TRO ang
dahilan kung bakit nagbabanta ngayon ang DoF na gaganti sa pamamagitan
ng pagpapa-lifestyle check sa kanila. Ayon sa DoF, gumagawa raw kasi ang
kanilang tanggapan ng mga programa para sa pagreporma ng BoC – isang
ahensyang tadtad daw ng katiwalian.
[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]
No comments:
Post a Comment