Friday, November 22, 2013

Mark Anthony Fernandez, nakabuo na naman


NATUWA NAMAN ako sa inaanak kong si Mark Anthony Fernandez nang binalita niya sa pocket presscon ng Rhodora X na nagdadalang-tao ngayon ang asawa niyang si Melissa. Tatlong buwang buntis na raw ito at excited siya dahil malaki na rin ang panganay nilang si Cameron. Ibig sabihin, hindi totoong hiwalay sila dahil matagal na ‘yang natsitsismis na hiwalay na nga at solong naninirahan na lang daw si Mark sa condo unit nila sa Greenhills. Sabi ni Mark Anthony, okay na okay silang mag-asawa at wala silang problema. Hindi pa nga raw alam ng buong pamilya na buntis ito kaya du’n sa interview sa kanya ng Startalk sinabi niya sa Mama niya kay Alma Moreno na malapit na itong magkaroon ng bagong apo mula sa kanya. Kung si Mark ang masusunod, gusto sana niya girl, pero kung ano ang ibibigay sa kanila ng Diyos, tatanggapin nila siyempre. Boy kasi ang panganay nila ni Melissa, pero merong girl na anak si Mark sa dati niyang girlfriend pero hindi yata ito nagpapakita sa kanya. Alam ko kinuha na ‘yun ng magulang ng girl at dinala na sa Bacolod. Kaya todo kayod ngayon si Mark Anthony. Kabilang siya sa bagong drama series ni Jennylyn Mercado na Rhodora X. Malapit na raw nila itong simulan kasama sina Mark Herras at Yasmien Kurdi.

[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]

No comments:

Post a Comment