Sunday, December 1, 2013
Ervic Vijandre at Ariella Arida, exclusively dating
KAMAKAILAN AY nagsimulang mag-taping si Ervic Vijandre sa primetime series ng GMA-7 na Genesis kung saan bida si Dingdong Dantes.
Si Ervic ay naging karelasyon noon ni Marian Rivera na girlfriend naman ngayon ni Dingdong. Pero hindi naman daw sila nagkailangan sa unang beses na pagsasama nila sa trabaho.
“Sobrang bait niya,” ani Ervic patungkol kay Dingdong. “At saka ‘yong lahat ng tao sa production, mababait din. Nakakatuwa ‘yong very warm na pag-welcome nilang lahat sa akin nang magsimula akong mag-taping para sa Genesis. Sobrang okey. Tapos nando’n pa si TJ Trinidad na nakasama ko na rin dati sa iba pang shows. So, ‘yon! Mentor ko ‘yon pagdating sa acting. Tinuturuan niya ako hanggang ngayon. ‘Yong role ko sa Genesis, medyo kontrabida na naman. Na… kasama nga ni TJ. Isa ako sa mga galamay niya na magpapahirap kay Dingdong.”
[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment