Showing posts with label SMART-Araneta. Show all posts
Showing posts with label SMART-Araneta. Show all posts
Sunday, June 2, 2013
Daniel Padilla, pinagbawalang tumanggap ng mga raket!
NANG MAGING successful ang first solo concert ni Daniel Padilla sa Smart Araneta, pansamantalang pinagbalawan ni Mr. Johnny Manahan si Karla Estrada na tumanggap ng mga show ang kanyang anak. Katuwiran nito, baka raw ma-overexpose ang binata. May bagong teleserye pa itong ipalalabas with Kathryn Bernardo. Palibhasa sikat na nga si Daniel, nakatutok ngayon si Mr. M. sa career nito.
Ang kay Karla, panghihinayang sa kikitain ng kanyang anak sa dami ng offers na natatanggap niya. Bukod kasi sa Metro Manila, kinukuha rin si Daniel na mag-show abroad. Kahit gustuhin niya, hindi puwede kaya behave na lang ang singer-actress.
[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]
Tuesday, May 21, 2013
Cristine Reyes, friends lang daw pero natutulog sa bahay ng lalaki?!
MARAMING ANIK-ANIK na eksenang naganap sa concert ni Vice-Ganda sa Smart Araneta, tsika sa amin. Kung naaliw ang manonood sa performance nina Daniel Padilla at Paulo Avelino, hindi rin nagpaawat si Enrique Gil nang pasayawin ito ng TV host/comedian on stage ng sexy dance. Nag-macho dancing ito at isinayaw ang latest disco song ni Psy na nagpasikat ng kantang Gangnam Style sa buong mundo.
Todo to the max ang ginawang pagsasayaw ni Enrique on stage, na mala-Psy, may pakadyut-kadyot pa ito sa harapan ng audience pero hindi malaswang tignan, cute nga raw panoorin. Dalang-dala ng binata ang kanyang katawan sa sexy dance na ‘yun, kuwento pa sa amin.
Maging si Vice ay naloka sa eksenang ‘yun ni Enrique, tipong pinaghandaan. Hindi niya ito ginawa noong time na mag-guest ang actor sa kanyang TV show. Kinilig at tinitilian ng mga fans si Enrique habang nagsasayaw ito on stage.
Bago pakantahin ni Vice si Regine Valasquez, ini-react nito ang palpak na eksenang naganap sa huling concert ng Song Bird. “Sorry po, medyo namamalat ang boses ko. Babawi na lang po ako sa susunod kong concert,” say ng stand-up comedian na nagbibiro.
[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]
Sunday, May 19, 2013
Sa concert ni Vice Ganda Paulo Avelino, mas tinilian kaysa kay Daniel Padilla?!
HINDI MAN kami nakapanood ng concert ni Vice-Ganda sa Smart Araneta. Balitang box-office success ang show ng stand-up comedian. Napakabongga raw ng opening number nito with the back-up dancers. Pati costume na ginamit, mala-Lady Gaga raw ang dating, tsika sa amin. Super nakakaaliw raw ang green jokes ni Vice na patok na patok sa manonood. Habang tuloy-tuloy ang pagpapatawa niya,hindi nito alintana na nandu’n pala sa harapan niya sina Madam Charo Santos, Malou Santos at iba pang big bosses ng ABS-CBN. Ganu’n na lang daw ang paghingi ng pasensiya ni Vice, pero ang totoo, naaliw sila sa green jokes ng TV host/comedian.
[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]
Monday, April 22, 2013
Daniel Padilla, pupunuin ang Araneta!
MAALIWALAS NA maaliwalas ang mukha ni Karla Estrada nang makita na-min siya sa birthday presscon ng kanyang anak na si Daniel Padilla.
Kung may isang nanay na super saya nga-yon sa mundo ng showbiz, isa na yata sa ngangunguna itong si Karla. Siya lang naman ang nanay ng isang phenomenal male teenstar.
Yes, sa dami ng projects ngayon ni Daniel, makukunsider na nga siyang teen superstar. Mapa -recording, concert, telebision, movie at commercial.
At sa April 26 ay magdadaos na siya ng kanyang 18th year sa mundong ibabaw. May mahihiling pa ba siya? Wala na, ‘di ba? Kaya nga nasabi nga niya na God is so good.
“Ibinigay po ni Lord ang gusto kong mangyari. At kahit ang hindi ko inaasahan ay ibinigay niya. Yes, I’m so blessed,” sey ng guwapong aktor.
[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]
Subscribe to:
Posts (Atom)