NAGSIMULA NANG umere ang seryeng Forever na
pinagtatambalan nina Geoff Eigenmann at Heart Evangelista. Ang
girlfriend ni Geoff na si Carla Abellana, kung may pagkakataon ay gusto
raw matutukang panoorin ito.
“Actually isang episode pa lang
ang napapanood ko,” sabi ng Kapuso actress. “Nakakaiyak ‘yong part na
binugbog ‘yong character ni Geoff. Tapos pinaghiwalay sila ni
Heart. Nakakaawa. Sobrang convincing.
“Fan ako ng tandem nina Geoff at Heart. Inggit ako sa kanila. Hindi dahil sa magka-loveteam sila. Kasi ang ganda ng chemistry nila.”
Maganda rin naman ang chemistry nila ni Geoff bilang lovers sa totoong buhay, ‘di ba?
No comments:
Post a Comment