Tuesday, January 29, 2013

Piolo Pascual, mahirap hanapan ng swak na leading lady

 
MARAMI ANG hindi sang-ayon sa tambalang Piolo Pascual at Angelica Pa-nganiban. Kung titignan mo ang dalawa sa teaser ng kanilang teleserye, kita mo agad na wala silang chemistry. Walang dating sa manonood. Hindi kapani-paniwala ang character na pino-portray nila. Mas may intensity at very convincing ang team-up nina Angel at Diether Ocampo. The way I look at it, mas challenging ang role dito ni Diet. Ramdam mo agad ang character na ginagampanan niya. Bagay sila ni Angelica, swak sa isa’t isa.
Naiibang character daw ang ginagampan dito ni Piolo. Naulila, naging sanggano, palaban sa buhay at walang inuurungan. Matapang na lalaki, handang ipaglaban ang babaeng mahal niya. May mga eksena pa ipinapakita sa teaser ang pagiging brusko, macho ni Papa P. Naka-topless ito (kita ang abs) habang nakikipagsuntukan. Lagyan pa nang fight scene para ipakita ang kamachohan nito. Infairness, physically fit and almost perfect ang kanyang pangangatawan.
Sa presscon, kuwento sa amin, napansin agad nila ang malaking pagbabago sa mukha ni Piolo. Nawala na raw ang aura nito at bakas na raw na may edad na ang magaling na actor. Oo nga’t guwapo pa rin daw si PJ pero ‘yung glow nang pagiging isang sikat na artista, nawala na, naglaho na.

[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]

No comments:

Post a Comment