NAKALULUNGKOT ISIPIN ang nangyaring pagtataray ni Maricel Soriano kay Gerald Anderson ay dahil hindi raw ito makaarte nang tama kaya nauwi sa pagkatsugi ng Diamond Star sa teleseryeng Bukas Na Lang Kita Mamahalin. Pati yata ‘yung movie project ni Maria with Gabby Concepcion na Boy, Girl, Bakla, Tomboy ng
Star Cinema at Viva Films ay hindi na rin matutuloy na launching movie
sana ni John ‘Sweet’ Lapus under the direction of box-office director Wenn Deramas.
Nang huli namin makausap si Direk Wenn (December 31), excited siyang
binibida ang movie nila ni Maria. Sa huling text niya this January 2013,
bago ang controversial issue nina Ms. Taray Queen at Gerald, huwag raw
muna naming i-promote ang movie nila ng veteran actress, tipong hindi pa sigurado. Hindi na kami nagtanong kung bakit? Nag-reply agad kami, ‘okay’. Ngayon lang namin napagtagpi-tagpi ang istorya kung bakit?
No comments:
Post a Comment