SA PANAYAM namin kay Julia
Montes kamakailan, agad naming kinumusta sa kanya kung may komunikasyon
pa ba silang dalawa sa ngayon ni Enchong Dee pagkatapos nilang
kumpirmahin sa interview nila sa Showbiz Inside Stories na nagdesisyon na ang aktor na ihinto na ang panliligaw sa kanya.
Ayon kay Julia, wala silang komunikasyon sa ngayon ng aktor. Makahulugan ang binitawang salita niya sa amin na ano
ang ibibigay niya kung wala naman siyang natatanggap. Nu’ng usisain
namin kung ano ang ibig sabihin nito, ipinaliwanag sa amin ni Julia na
wala siyang natatanggap na anumang text o ano pa man kung kaya wala
siyang maibabalik.Hiningi rin namin ang reaksyon niya sa obserbasyon ng iba na mukhang si Enchong ang nakitang mas apektado sa kanilang dalawa sa interview nila sa SIR. Ayon kay Julia, matapang lang siya. Hindi naging sila at iba ang naging friendship nila dahil lumalabas sila, sa mismong deskripsyon ni Julia ito ay malabong usapan, malabong estado at malabong pagkakaibigan.
[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]
No comments:
Post a Comment