KAMAKAILAN AY napabalita
na paparami ang bilang ng mga kabataang nalululong sa droga ang mula sa
mga pamilya ng OFW. Nakaaalarma ang bagay na ito. Masakit isipin na ang
mga kabataang ito—na siyang dahilan kung bakit kumakayod sa ibang bansa
ang kanilang mga magulang—ay naliligaw ng landas dahil sa hindi sila
buo bilang isang pamilya. Sa halip na positibo, naging negatibo pa ang
pangingibang-bansa ng mga OFW.
Hindi lang ang drug addiction ang isa sa mga social cost ng
migration. Nandyan din ang pagtigil o pagiging tamad sa pag-aaral ng mga
anak ng OFW. Wala nang tumututok sa kanilang mga pag-aaral.
Nakababagabag din ang pagkakabuyo nila sa mga barkada na lalong
naglulululong sa kanila sa masasamang bisyo.
[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]
No comments:
Post a Comment