NAIS KO pong magtanong ukol sa paghahain ng kasong annulment. Sampung taon na kaming kasal ng aking asawa. Pitong buwan pa lamang kaming kasal ay natanggal na siya sa trabaho. Napabarkada siya at laging inuumaga nang uwi. Mayroon pang mga pagkakataon na gumagamit siya ng bawal na gamot, kaya laging mainit ang kanyang ulo at lagi niya akong sinasaktan, sinisigawan at minumura. Noong ikaanim na taon namin bilang mag-asawa ay naisipan ko na siyang iwan at tumira na lang sa aking mga magulang.
Halos dalawang taon kaming hiwalay ngunit nakipagkasundo siya na magbabago kung kaya’t tinanggap ko siyang muli at kami ay nagsama. Ngunit tila walang nagbago. Madalas pa rin siyang napapabarkada at sa tuwing mainit ang kanyang ulo ay sinisigawan at itinatapon niya ang mga gamit namin sa bahay. Bihira na rin po kung kami ay magsiping. Sa loob po ng mahabang panahon, ako lamang ang nagtatrabaho para sa aming pamilya at hirap na hirap na po ako. Sa kabila ng lahat ng aking sinakripisyo ay problema at sama ng loob lamang ang ibinibigay niya sa akin. Ngayon po ay nais kong malaman kung sapat na dahilan po ba ang mga nailahad ko upang mapawalang-bisa ang aming kasal? Sana po ay bigyan ninyo ako ng payo.
Lubos na gumagalang,
No comments:
Post a Comment