ISANG OPISYAL ng Quezon City Police District (QCPD)
ang personal na lumapit sa inyong lingkod noong Martes ng gabi, April
16, 2013, para hilingin na tulungan ang kanyang boss na si QCPD District
Director Colonel Richard Albano.
Matapos niyang maihayag sa akin ang kanyang pakay, agad kong tinanong
sa kanya kung bakit ‘di na lang siya dumiretso kay Albano at personal
na i-report sa kanya ang mga sinabi niya sa akin.
“Alam mo pare, kapag sinabi ko ito kay Sir baka mayari pa ako. “Eh
bakit naman? “Kasi madali naman nilang i-deny, at mas paniniwalaan niya
sila kaysa sa akin,” ang mabilis niyang sagot. Bakit mo nasabi? “Ang isa
kasi sa kanila ay sobrang malapit kay Sir noong araw pang madestino si
Sir sa Baguio,” ang kanya namang balik sa aking tanong.
Bakit hindi mo subukan, malay mo matuwa pa sa iyo si Col. Albano
dahil matutulungan mo siyang mahinto ang paggagasgas sa kanyang pangalan
ng wala siyang kaalam-alam? “Oo nga pare, eh paano naman kung talagang
may go signal sila kay Sir?”, ang halos pabulong na tanong naman niya
sa akin.
[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]
No comments:
Post a Comment