Showing posts with label Kyusi. Show all posts
Showing posts with label Kyusi. Show all posts

Friday, April 19, 2013

Sa paggawa ng pelikula tungkol sa nawawala Lorna Tolentino, natatakot ding maging desaparecidos!


NARIRINIG NA ni Lorna Tolentino ang kuwento tungkol kay Jonas Burgos.
May mga nagku-kuwento na sa simula, wala naman siya alam talaga kung sino si Jonas hangga’t magsimula siyang mag-research tungkol sa isyung pagkadukot ng mga military kay Jonas, isang aktibista at magbubukid sa may Ever Gotesco Mall sa Commonwealth Ave. sa Kyusi last March 28, 2007.
Nagka-interest lalo si LT nang malaman niya ang buhay ni Jonas, lalo na ang ina nitong si Edith na siyang tumataguyod sa krusadang ilitaw ng military ang nawawalang anak.
Noong Miyerkules, first shooting day ng aktres sa may bandang Scout Area para sa pelikulang idinidirek ni Joel Lamangan. Naglaan ng sampung araw si LT para gawin ang pelikula.

[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]

P1.2 Million Weekly Tong Para sa QCPD?

ISANG OPISYAL ng Quezon City Police District (QCPD) ang personal na lumapit sa inyong lingkod noong Martes ng gabi, April 16, 2013, para hilingin na tulungan ang kanyang boss na si QCPD District Director Colonel Richard Albano.
Matapos niyang maihayag sa akin ang kanyang pakay, agad kong tinanong sa kanya kung bakit ‘di na lang siya dumiretso kay Albano at personal na i-report sa kanya ang mga sinabi niya sa akin.
“Alam mo pare, kapag sinabi ko ito kay Sir baka mayari pa ako. “Eh bakit naman? “Kasi madali naman nilang i-deny, at mas paniniwalaan niya sila kaysa sa akin,” ang mabilis niyang sagot. Bakit mo nasabi? “Ang isa kasi sa kanila ay sobrang malapit kay Sir noong araw pang madestino si Sir sa Baguio,” ang kanya namang balik sa aking tanong.
Bakit hindi mo subukan, malay mo matuwa pa sa iyo si Col. Albano dahil matutulungan mo siyang mahinto ang paggagasgas sa kanyang pangalan ng wala siyang kaalam-alam?  “Oo nga pare, eh paano naman kung talagang may go signal sila kay Sir?”,  ang halos pabulong na tanong naman niya sa akin.

[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]