Tuesday, October 29, 2013
Kasalang Ser Chief-Maya, inaabangan na!
KUNG WALANG aberya, sa November 11 kukunan ang pinakahihintay na wedding scene nina Maya at Ser Chief sa centuries-old church ng Pila, Laguna na sa kuwento , tubong Laguna ang pamilya ni Maya.
Big scene ito na ngayon pa lang ay pinu-promote na ng Kapamilya Network na big day an November 15, kung saan ipapalabas ang pinakabonggang kasalan sa telebisyon.
Maging ang kaibigang si Sylvia Sanchez, pinaghahandaan din ang naturang eksena lalo pa’t kailangan niyang mag-reduce para maisuot niya ang magandang gown sa kasalan.
Recently, nang dumalaw kami kay Ibyang sa haybols niya sa White Plains sa Kyusi, pumapapak lang siya ng ginisang upo with hipon at ginataang santol na nabili niya sa set ng Be Careful With My Heart at hindi na kumain ng kanin for her late lunch para pumayat siya’t magkasya sa kanya ang isusuot na gown sa kasalan scene.
[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment