MATINDI ANG galit ko sa mga taong mapagmalupit sa mga hayop. Kaya kapag may
natatanggap kaming sumbong sa T3 Reload o sa Wanted Sa Radyo (WSR)
tungkol sa pagmamalupit sa mga hayop tulad ng mga pusa at aso, ito ay
binibigyan namin ng prayoridad at agad na inaaksyunan.
Pero ang ginawa ni Anna Cabrera, Director ng Philippine Animal
Welfare Society (PAWS) sa isang boy ng isang cafeteria kamakailan ay
overacting na at maituturing ding hindi makatao.
Ang probinsyanong boy ay nagmagandang-loob na dalhin sa PAWS ang
dalawang pagala-galang kapapanganak lamang na kuting sa kanilang
cafeteria upang ito ay maalagaan at masagip sa nakasisiguro nang
kamatayan sapagkat hindi makita ang ina nito na siyang pagkukunan sana
ng gatas ng nasabing mga kuting.
Sa halip na pasalamatan at papurihan, agad na ipinaa-resto ni Cabrera
sa mga pulis ang nasabing boy at ipinakulong. Ang tanging kasalanan
lamang ng pobre at probinsyanong boy ay isinilid niya sa sako ang mga
kuting. Ito raw ay isang kalupitan dahil ang sako ay hindi tamang
lalagyan para raw sa mga hayop sapagkat mahihirapan silang makahinga
rito, ayon pa kay Cabrera nang ma-interview siya ng News5.
Dagdag pa ni Cabrera, kung kinakailangan daw nilang
[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]
No comments:
Post a Comment