Showing posts with label T3 Reload. Show all posts

Sunday, February 2, 2014
Friday, August 30, 2013
Movie Producer Vs. Showbiz Entertainment Editor
DALA ANG mga medical certificate personal na humingi
ng saklolo sa inyong lingkod ang showbiz entertainment editor at
columnist na si Joey Sarmiento matapos siyang bugbugin umano ng movie
producer na si Neil Arce. Agad ko namang idinulog sa T3 Reload ang
kanyang kaso.
Ayon kay Joey, noong nakaraang Sabado ng gabi, tiyempong napadaan siya sa isang bahay sa Quezon City, kung saan ay may nagaganap na shooting ng pelikula. Bumaba siya ng kanyang sasakyan para makiusyoso at napag-alaman niyang iyon ay shooting ng pelikula ni Robin Padilla.
Dahil kakilala niya si Robin, tiniyempuhan daw niyang lapitan daw ito para ma-interview at makunan na rin ng mga litrato. Nagpaunlak naman si Robin. Pagkatapos ng kanyang interview kay Robin namataan siya ni Neil – ang may-ari ng bahay at producer ng sinu-shooting na pelikula.
[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]

Sunday, July 21, 2013
Pati Pari, ‘Di na Nirespeto!
ISANG PARI ang dumulog sa tanggapan ng T3 Reload
noong nakaraang Miyerkules upang isumbong ang nangyaring panunutok at
pagpapaputok sa kanya ng baril ng barumbadong pulis na nakilalang si PO3
Dennis Dela Cruz ng Molave Police Station sa Zamboanga del Sur.
Ayon kay Rev. Father Mario Sarsaba ng San Isidro Labrador Parish Church, nagkukuwentuhan sila ng kanyang mga kaibigan noong ha-tinggabi ng May 18 nang biglang nanghimasok ang isang nakasibilyang pulis sa bahay na kanilang kinaroroonan na tila may hinahanap na tao.
Walang pakundangan, magagaspang na komento ang lumabas sa bunganga ng balasubas na pulis bago ito umalis. Hindi siya pinatulan ng mga taong binastos niya.
Makaraan ang ilang minuto, lumabas si Father Mario kasama ang isang kaibigan para bumili ng balut – dito muli nilang naka-engkuwentro si Dela Cruz. Pero agad naman nila itong iniwasan.

Friday, July 5, 2013
Ang Bastos na Chairman!
SI JOPAY Paguia, miyembro ng Sexbomb Girls at isa sa
mga supporting cast sa teleserye ng TV5 na Cassandra: Warrior Angel
(CWA) ay personal na dumulog sa T3 Reload noong nakaraang Miyerkules
para isumbong ang kabastusan ni Chairman Antonio Lalik ng Barangay 848
Pandacan, Manila.
Noong July 2 ng madaling-raw, habang nagte-taping ang grupo ni Jopay sa CWA malapit sa barangay hall, isang malakas na kalabog ang narinig ng crew. Nang lumingon ang isa sa kanila, napansin niyang sinadyang banggain ni Lalik ng kanyang motor ang kotse ni Jopay na nakaparada nang maayos sa isang tabi.
Napikon daw kasi si Chairman dahil sa maraming mga nakaparadang sasakyan ng TV crew na para sa kanya ay nakasasagabal. Pero nakalimutan ni Chairman na siya rin ang pumirma ng barangay permit para sa taping ng nasabing crew at ang pagpapahintulot sa mga sasakyan ng grupo na pumarada sa location ng taping.
Nang mga oras na iyon, lango raw kasi sa alak si Chairman. Pagkatapos niyang mabundol ang kotse ni Jopay umalis agad ito na parang walang nangyari.

Tuesday, June 18, 2013
Tumpak ka S/Supt. Joel Pagdilao!
SA WAKAS may isang mataas na opisyal ng Philippine
National Police ang sumasang-ayon sa matagal ko nang paulit-ulit na
sinasabi sa aking programa sa radyo at maging sa espasyong ito.
Sa panayam ng T3 Reload kay Quezon City Police District (QCPD) Deputy Director for Administration Senior Superintendent Joel Pagdilao noong nakaraang Lunes, inamin niyang may pagkukulang ang PNP pagdating sa recruitment ng mga gustong maging miyembro nito.
Ayon kay Pagdilao, mahalaga na magkaroon ng mahigpit na screening process ang PNP para masala ang mga taong hindi karapat-dapat na maging pulis. Bukod sa neuro-psychiatric exam, mahalaga rin ang pagkakaroon ng masusing pagsisiyasat sa personal/family background at history ng isang aplikante, dagdag pa ni Pagdilao.

Saturday, June 1, 2013
Ang ‘Di Makataong Makahayop!
MATINDI ANG galit ko sa mga taong mapagmalupit sa mga hayop. Kaya kapag may
natatanggap kaming sumbong sa T3 Reload o sa Wanted Sa Radyo (WSR)
tungkol sa pagmamalupit sa mga hayop tulad ng mga pusa at aso, ito ay
binibigyan namin ng prayoridad at agad na inaaksyunan.
Pero ang ginawa ni Anna Cabrera, Director ng Philippine Animal Welfare Society (PAWS) sa isang boy ng isang cafeteria kamakailan ay overacting na at maituturing ding hindi makatao.
Ang probinsyanong boy ay nagmagandang-loob na dalhin sa PAWS ang dalawang pagala-galang kapapanganak lamang na kuting sa kanilang cafeteria upang ito ay maalagaan at masagip sa nakasisiguro nang kamatayan sapagkat hindi makita ang ina nito na siyang pagkukunan sana ng gatas ng nasabing mga kuting.
Sa halip na pasalamatan at papurihan, agad na ipinaa-resto ni Cabrera sa mga pulis ang nasabing boy at ipinakulong. Ang tanging kasalanan lamang ng pobre at probinsyanong boy ay isinilid niya sa sako ang mga kuting. Ito raw ay isang kalupitan dahil ang sako ay hindi tamang lalagyan para raw sa mga hayop sapagkat mahihirapan silang makahinga rito, ayon pa kay Cabrera nang ma-interview siya ng News5.
Dagdag pa ni Cabrera, kung kinakailangan daw nilang

Friday, April 12, 2013
“Inasawa” Niya ang Kanyang Auntie
HABANG NASA Hawaii at nagtatrabaho bilang OFW ang kanyang uncle, “inasawa” ni
Barangay Chairman ang misis nito – na kanyang auntie. Hindi nagtagal,
binigyan ni Chairman ng trabaho si Auntie sa barangay hall bilang
kanyang sekretarya para ito’y hindi mawala sa kanyang paningin at
palaging nasa tabi niya.
Ito ay totoong pangyayari sa isang barangay sa Ilocos Region. Dahil sa ginawa ni Chairman, nagkasira-sira ang samahan ng kanilang buong angkan hanggang sa humantong sa demandahan. Sa sobrang sama ng loob, bumalik din si Uncle sa Hawaii at ngayon ay namumuhay na ng tahimik kasama ang bagong asawa.
Sa ngayon, kapag nakikita si Chairman ng kanyang iba pang mga uncle na naglalakad sa harap ng kanilang bahay, dali-dali nilang isinasara ang kanilang mga pinto’t bintana baka sila naman daw ang masalisihan ni Chairman.

Sunday, March 10, 2013
“Ang Bugbugan ng Magkasintahan”
SA PANIBAGONG social experiment ng T3 Reload na
ginawa sa loob ng Quezon Memorial Circle, napatunayan namin na mas
mahaba ang pasensya ng mga kababayan natin sa masasaksihan nilang
sitwasyong pananakit ng isang babae sa isang lalaki – kumpara sa kung
ang lalaki ang mananakit sa babae.
Sa unang eksena, nagplanta kami sa isang mataong lugar ng mga ka-sabwat na magpapanggap na magka-sintahan. May nag-text kay girlfriend at nagselos si boyfriend. Ang pagseselos ay humantong sa sagutan hanggang sa napunta sa murahan.
[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]
Sa unang eksena, nagplanta kami sa isang mataong lugar ng mga ka-sabwat na magpapanggap na magka-sintahan. May nag-text kay girlfriend at nagselos si boyfriend. Ang pagseselos ay humantong sa sagutan hanggang sa napunta sa murahan.
[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]
Thursday, March 7, 2013
Ang WSR Survey
NOONG NAKARAANG Huwebes, February 28, gumawa ng
survey ang Wanted Sa Radyo sa mga listener at viewer nito – 92.3FM,
Radyo5 at Aksyon TV Channel 41 – para sa mga kumakandidato sa
pagkasenador sa darating na 2013 elections.
Simple ang ibinato naming katanungan sa nasabing survey. Kung ang eleksyon ay magaganap sa araw na iyon, sino ang iboboto nila sa mga kumakandidatong pagka-senador?
Sa simula pa lamang ng programa, ilang minuto pasado alas-dos, agad naming inanunsyo ang isinasagawa naming survey. Paulit-ulit ang aming ginawang pag-anunsyo hanggang sa matapos ang programa tatlong minuto bago mag-alas-kuwatro.
Walang nagkomisyon para sa nasabing survey. Ang mga lumahok sa survey ay ipinadala ang kanilang boto sa pamamagitan ng Radyo5 hotline sa 2929.

Subscribe to:
Posts (Atom)