Showing posts with label Cassandra: Warrior Angel. Show all posts
Showing posts with label Cassandra: Warrior Angel. Show all posts
Sunday, July 21, 2013
Eula Caballero, exclusively dating sa co-Star Factor finalist Christian Samson
MASAYA SI Eula Caballero na naging maganda ang takbo ng hero-seryeng pinagbibidahan niya, ang Cassandra: Warrior Angel sa TV5. Malapit nang magtapos ito at aminado siyang malaki ang natutunan niya pagdating sa acting habang ginagawa nila ang soap.
Kuwento niya sa sa amin a few days back nang makasalubong namin siya sa Reliance Studios ng TV5, tapos na raw ang taping nila ng show. Marami raw siyang nadiskubre sa pasikut-sikot sa loob ng production, kung paano makibagay at makisama sa lahat ng production people.
“Andami kong natutunanan, actually una na siguro sa natutunan ko na sa industriyang ito na iba-iba ang pamamalakad, na iba-iba ang atake ng bawat tao sa bawat production. Pati artista, iba-iba ang atake nila, so iba-iba ang pangangailangan like sa Cassandra, action kami, horror, drama, fantasy. So, ang dami naming pangangailangan, so I just learn to accept and adjust.”
[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]
Friday, July 5, 2013
Ang Bastos na Chairman!
SI JOPAY Paguia, miyembro ng Sexbomb Girls at isa sa
mga supporting cast sa teleserye ng TV5 na Cassandra: Warrior Angel
(CWA) ay personal na dumulog sa T3 Reload noong nakaraang Miyerkules
para isumbong ang kabastusan ni Chairman Antonio Lalik ng Barangay 848
Pandacan, Manila.
Noong July 2 ng madaling-raw, habang nagte-taping ang grupo ni Jopay sa CWA malapit sa barangay hall, isang malakas na kalabog ang narinig ng crew. Nang lumingon ang isa sa kanila, napansin niyang sinadyang banggain ni Lalik ng kanyang motor ang kotse ni Jopay na nakaparada nang maayos sa isang tabi.
Napikon daw kasi si Chairman dahil sa maraming mga nakaparadang sasakyan ng TV crew na para sa kanya ay nakasasagabal. Pero nakalimutan ni Chairman na siya rin ang pumirma ng barangay permit para sa taping ng nasabing crew at ang pagpapahintulot sa mga sasakyan ng grupo na pumarada sa location ng taping.
Nang mga oras na iyon, lango raw kasi sa alak si Chairman. Pagkatapos niyang mabundol ang kotse ni Jopay umalis agad ito na parang walang nangyari.

Sunday, June 9, 2013
Charice burdado!
NAKAKALOKA ANG Instagram post ni Charice last Saturday, ipinakita kasi niya sa kanyang followers ang kanyang upper part ng katawan na kitang-kita ang kanyang tattoo sa dibdib at balikat. Sabi niya, “Ashteg. Medyo baklers pero ashteg! Hehe.”
Parang dinungisang masyado ng singer ang kanyang katawan, ha? Sana hindi na niya dagdagan ang kanyang mga tattoo though kasabihan nga ngayon, art form na rin daw ito. Pero kapag masobrahan na ay baka dirty-ness na itong tingnan, what do you think, Charice?
[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]
Subscribe to:
Posts (Atom)