SA WAKAS may isang mataas na opisyal ng Philippine
National Police ang sumasang-ayon sa matagal ko nang paulit-ulit na
sinasabi sa aking programa sa radyo at maging sa espasyong ito.
Sa panayam ng T3 Reload kay Quezon City Police District (QCPD) Deputy
Director for Administration Senior Superintendent Joel Pagdilao noong
nakaraang Lunes, inamin niyang may pagkukulang ang PNP pagdating sa
recruitment ng mga gustong maging miyembro nito.
Ayon kay Pagdilao, mahalaga na magkaroon ng mahigpit na screening
process ang PNP para masala ang mga taong hindi karapat-dapat na maging
pulis. Bukod sa neuro-psychiatric exam, mahalaga rin ang pagkakaroon ng
masusing pagsisiyasat sa personal/family background at history ng isang
aplikante, dagdag pa ni Pagdilao.
[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]
No comments:
Post a Comment