SI PO1 Jeru Hernandez ng MPD Station 6 ay maliwanag na halimbawa ng pusakal na
madaling nakalusot sa palpak na recruitment process ng PNP at naging
ganap ng pulis.
Ang marami pang mga PO1 na katulad ni Hernandez sa ating kapulisan ay
dapat magpasalamat sa mga bugok na recruitment and screening personnel
ng PNP. Dahil sa mga bugok na ito, ang imahe ng ating Philippine
National Police ay nagmimistula ngayong basurahan ng mga kawatan.
Sa lahat ng mga basura rito, si Hernandez ang nabubulok na. Ang
hinayupak na ito ay hindi marunong madala. Siya ay unang inireklamo sa
T3 dahil sa panghuhulidap sa isang dating miyembro ng Philippine Army na
si Apolinario Cababan.
Nang mga panahong iyon – Nobyembre ng nakaraang taon – si Hernandez
ay nakadestino sa Station 2 ng Pasay. Siya at ang ilan niyang mga
kasamahan ay nag-aabang ng mga motorista na kanilang mabibiktima sa
kahabaan ng Roxas Boulevard.
[...] Continue reading: PinoyParazzi.com [...]
No comments:
Post a Comment